ano bang meron ang mga pinoy na wala ang iba?
Ang PINOY, Matiyaga——- kasabihan na-”Pag may tiyaga, may nilaga.” Matiyaga siyang maghintay, kaya nga maraming Pilipino ang mahirap, kasi sobra ang tiyaga natin….KULANG tayo sa GAWA at SIKAP, meron naman tayong SIKAP pero hindi tayo MASIPAG hindi naman tayo gumagawa….kailangan pa tayong utusan, pagsabihan, paalalahanan…Ganito ang Pilipino kaya ganyan ang Pilipinas….Pero marami tayong kaibigan…kasi mahilig tayong umistambay, mahilig tayong makipaghuntahan…Lagi tayong napapasabit, kwentuhan, kainan, inuman, sugalan….SAYANG ang ORAS kababayan…Dito tayo matiyaga.
Mahilig din tayong PUMUNA ng mali ng iba…di natin nakikita ung tamang ginawa…. mahilig tayong SUMUNOD sa mga nakasanayan na, MALAKAS ang impluensa ng KULTUTA, mga KASABIHAN na namana natin kay Lolo at Lola…
Ganito na lang ba tayo lagi, para tayong simbahan, hindi pwede ang bagong pamamaraan, kailangan ung nakasanayan. Pwedeng PUMUNA hindi pwedeng PUNAHIN magagalit ung nasa taas.
Para tayong pamahalaan, kulang sa gawa puro dada, Masipag naman, pero para kanino, sa kababayan ba o sa kaban. Puro papogi, tingin sa kanan, tingin sa kaliwa baka merong nakatutok na kamera.
Ano ba talaga Ate at Kuya….meron bang ganyang mga banyaga? O mga banyaga din ang nagturo sa atin ng mga yan? Sige na nga, tignan mo ang sarili mo kung anong meron ka na wala sila? Kaya mo bang sabihin sa sarili mo na hindi ako ganun? Dahil ganito ako pinalaki ng magulang ko.
O, ano na, alam mo na ba kung ano ang meron ka na wala ang iba?

No comments:
Post a Comment