About Me

My photo
Noypi pinoy ka ba? purong noypi ako isa akong blogger na manunulat na hatid sa inyo purong katatawanan lamang.

Sunday, September 7, 2008

ligawang usapan


May mga manliligaw na mahilig manigarilyo kung dumadalaw sa kanilang minamahal.
"Susay, pasensya ka na sa kaibigan ko, ha? Panay ang taktak niya ng abo sa sahig."
"Wala kasing naninigarilyo rito, e, kaya wala kaming astray." Bumulong sa katulong, "O, teka,lina....kunin mo 'yong isang tasa na hindi na natin ginagamit at nang magawang
'Astray' ng taong ito.. Nagkakalat ng abo sa sahig ,e."
Dumating ang 'astray; at nilagay sa harapan.
"Tamong kabastusan talaga ng mamang ito. Nasa harapan na nga ang 'astray ngunit ang abo ng sigarilyo niya at sa tagiliran naman itinaktak.
Inilipat na naman niya ang 'astray' sa tagiliran.
"O. . . sa likuran naman nagtataktak. Nananadya yata ang lokong ito. Teka't ililipat ko sa likuran itong astray" ang pabulong na sabi.
"O. . . sa harapan naman nagtataktak. . . Nanloloko yata ito. ililipat ko sa harapan uli itong astray;
Pag nagkamali pa ito pa ito'y babatukan ko na," ang pabulong ni lina.
Dampot uli si lina at nilipat ang astray' sa harapan. . .
Biglang nagalit ang lalaki at nagbanta. "Miss, pwede bang sa ibang lugar na ninyo ilagay ang tasang 'yan? Pag nainis ako, lalagyan ko ng abo yan!"





No comments: