Isang araw nagpunta si Enyang Tengwey sa sementeryo. Nililinis ang inaakalang nitso ng nasirang asawa. Itinirik ang sinindihang kandila at inilagay ang dalang korona sa ibabaw ng nitso.
Lumuhod at saka taimtim na nagdasal.
"Inyok, kahit na alam kong ako'y niloko mo noong ika'y nabubuhay pa, ikaw ay matagal ko nang pinatatawad at kaya ako naririto ay para ipakita sa iyo na mahal pa rin kita."
Patuloy sa pagdarasal si Enyang nang isang babae ang lumapit sa kanya at kinalabit siya sa balikat.
"Mawalang galang na po sa inyo, Misis, pero nagkakamali po kayo sapagkat ito pong nitso ng aking namatay na asawa," ang sabi ng babae kay Enyang.
Nag-angat ng kanyang ulo si Enyang. Pinagmasdang mabuti ang nitso na sa akala'y sa kanyang asawa. Maya-maya'y tumayo at pinatay ang kandila. Kinuha ang korona at saka pagalit na nagsalita.
Inyok. talagang salbahe ka pa rin! Patay ka na'y nanloloko ka pa! hindi pala ito ang nitso mo'y pinagod mo pa ako! D'yan ka na!
Sabay alis at naiwang nagtataka ang Misis na may-ari ng nitso।

No comments:
Post a Comment