About Me

My photo
Noypi pinoy ka ba? purong noypi ako isa akong blogger na manunulat na hatid sa inyo purong katatawanan lamang.

Wednesday, September 10, 2008

usapang lasing

Noyping lasing:
May mga tao na kapag nakakainom at nalalasing na ay naghahanap na ng gulo.
Kagaya ni Totoy Batoy, jr., lasing at naghahanap ng away at nang napadaan siya sa simbahan ng St. Jude. at nakita niya ang rebulto nito ay napagbuntungan niya ng galit at hinamon.
"Hoy, ikaw, kakasa ka ba? Ang laki-laki mong tao, hahawak-hawak ka pa nang kahoy.
Sandali lang at babalik ako."
Samantala, narinig pala siya ng pari. Sa pag- aakalang baka sirain ng lasing ang rebulto ni
St. Jude ay ipinapasok niya ang rebulto at pinalitan ng maliliit na estatwa ni Sto. Nino.
Maya-maya ay dumating na ang lasing na hawak na itak.Luminga-lingang naghahanap ngunit wala siyang makita kundi ang maliit na estatuwa ni Sto.Nino
kaya nagtanong na lamang ang lasing ng ganito।


"Boy! Boy, nasaan ang tatay mo?"

No comments: