About Me

My photo
Noypi pinoy ka ba? purong noypi ako isa akong blogger na manunulat na hatid sa inyo purong katatawanan lamang.

Thursday, October 9, 2008

kwelang jokes ulit...

Nakatanggap ng masayang telegrama ang mag-asawang bunding buhat sa kanilang anak na babae na nagkaasawa ng isang taga-Maynila. Ang sabi sa sulat ay ganito:

''Nay, ''Tay. nakakuha na agad kami ng hulugang esteryo."
Pagkalipas ng dalawang buwan, nagpadala uli ng masayang telegrama ang mag-asawang bunding at buong pagmamalaking nakasaad ang:

"Nay, "Tay , Nakakuha na kami ng hulugang tv."
Pagkalipas ng tatlong buwan, nakatanggap uli ang mag-asawang Bunding ng telegrama. Narito ang sabi sa sulat:

"Nay, "Tay , nakakuha na kami ng hulugang refrigerator."

Pagkalipas ng apat na buwan, nakatanggap uli ang mag-asawang bunding ng telegrama hindi na masaya kundi malungkot na at kasama pang luha., Ganito ang sabi:

""Nay, "Tay, Nakuha nang lahat ang stereo, Color TV at Refrigerator namin kasi hindi kami nakapaghulog, e."



Sunday, September 14, 2008

Bakasyonistang noypi


Habang ako'y nagbabakasyon sa Sta. Monica Beach sa Infanta, Quezon, nakakita ako ng isang turistang Amerikanang puti na naka-'bathing suit' Nagsa-sunburn siya saa tabi ng 'beach'
Mga alas otso noon ng umaga, medyo lumapit ako sa kanya at huminto. Pinagmasdan ko ang kanyang maputi at seksing hita.

Pagkatapos, nang bandang alas dose na ng tanghaling tapat, dumaan na naman akong muli at pahanang pinagmsadan ko ang kanyang medyo mamula-mulang katawan dahil na sun-burn na.

Noong bandang alas- kuwatro na ng hapon. dumaan na naman akong muli sa beach at nakita ko na naman siya roon na nagsa-"sunburn" pa pero hindi ko na siya pinansin. Sumobra na ang pagka sun-burn niya dahil naging negra na siya.




Usapang noypi



May kabarkada akong saksakan nang yaban. Nakapunta lang sa 'estate' nang nagbslikbayan ay hindi na raw marunong magsalita ng Pilipino.
Kahit na pinoy ang kanyang kausap ay panay Inglis pa rin ang loko. Nang magbalik siya sa "estate"
ay sinama niya kaming mag-tour Ipinasyal kami sa New york. Hollywood at Disneyland. Sa katuwaan namin sumakay kami ng "Roller Coaster" na halos lahat ng nakasakay ay puro kano. Sa tuwing tataas at biglang pababa ang 'roller coaster' ay napapabuntunghininga ang mga kano at sabay-sabay nilang nasasabing "Ohhhhh!".Samantalang kami namang mga Pinoy ang naibubuntunghininga namin ay "Ayyyyyy!"




Friday, September 12, 2008

Usang lovelife

Isang araw nagkasira ang dalswang magkaibigang Dinggot at Boybing dahil sa lamang sa isang babae. kaya tuluy-tuloy ang siraan ng dalawang magkaibigan.

"Boybing kuto, Boybing kuto!" ang tukso ni Dinggot. Hindi na nakapagpigil si Boybing kaya hinabol niya si Dinggot hanggang umabot ito sa kumunoy. Habang lumulubog si Dinggot ay panay pa ang tukso niya kay Boybing. Ngunit naawa si Boybing kay Dinggot.

"Dinggot kumapit ka na sa akin. lumulubog ka," ang pagmamakaawa ni Boybing. Ngunit nagmatigas ang pa rin si Dinggot.
"Ayoko basta't Boybing kuto ka, Boybing kuto, Boybing kuto!" ang patuloy pa ring tukso ni Dinggot.

Hanggang sa tuluyan nang lumubog ang ulo ni Dinggot। hindi na siya nakapagsalita ngunit ang kamay niyang nakataas pa ay tukso pa rin nang tukso dahil panay ang tiris nito ng kuot.




Usapang asawa

Matagal nang nasusuya si Dinggot sa asawang si Ingga dahil masyadong bungagera ang babae.
Mula umaga hanggang gabi ay di nagtitigil si Ingga sa pagtatalak sa mga anak na maliliit at maging kay Dinggot.
Isang araw, masayang umuwi si Dinggot dahil may dala itong radyokase't 'yong bang may tape recorder. Ngunit sa halip na matuwa si Ingga ay nagtatalak agad ito. E ba't daw inuna pa ang pagbili nito samantalang wala na raw silang makain at marami pa silang babayarang utang at kung anu-ano pa. Pero hindi pinansin ni Dinggot ang pagbubunganga niya.
Maya-maya ay pinaandar ni Dinggot ang tape recorder at narinig ni Ingga ang pagtatalak, pagbubungaga at pagmumura sa tape. Kaya nagtanong ito. "Sino ba iyang itinayp mong kaypangit-pangit ng boses at mura pa nang mura. kaysagwang pakinggan!''

"Sino pa," sagot ni Dinggot। "edi ikaw!"



Kwelang noypi


Isang araw, dumalaw si Bumbulyo sa bakahan ng kanyang kaibigang si Pakbung.

PAKBUNG : Alam mo Bumbulyo, maasahan mo itong mga baka ko. Dahil parang Weather Bureau an mga 'yan.

BUMBULYO : Para palang PAG-ASA ang mga baka mo ha?

PAKBUNG : Kapag nakahiga ang mga baka ko, ang panahon ay maaliwalas.

BUMBULYO : E, kapag nakatayo ang mga baka?

PAKBUNG : Pihadong uulan.

BUMBULYO : E, kung ang ilan ay nakahiga at ang ilan ay nakatay, gaya ngayon?

PAKBUNG : Ang ibig sabihin ay maaaring umulan at maaari namang hindi। . .





Usapang aso!

BATOY : Kawawa naman ang aso nina Ben,

BOKYO : Bakit?

BATOY : Kasi ginagawang pulutan? ni Brunong Pilay.

BOKYO : Bakit ginagawang pulutan?

BATOY : Kasi, kinagat niya si bruno sa paa, kaya hinataw siya ni Bruno ng dos-pos-dos sa ulo, patay, Tapos, ginawang pulutan.

BOKYO : Ganoon pala naman e, kung ako rin ang kinagat ay baka hindi lamang aso ang mahataw ko sa ulo. Teka muna, ba't ka naman pala naawa sa aso?

BATOY : Ba't hindi ako maawa sa aso, samantalang ang kinagat naman ng aso ay ang paa ni Brunong pilay na Kahoy!





Thursday, September 11, 2008

click

ClixMX.com

Usapang masinsinan

Usapang bentahan!

Isang umaga, isang lalaki ang makikitang nagbebebta ng kanyang turuang aso sa Escolta.

AMO : Bili na kayo ng Turuang aso, sampung piso lang.

RON : Bakit naman mura mong ipinagbibili ang aso .

ASO : (Biglang nagsalita) Parang awa na ninyo bilhin na ninyo ako. hindi ako pinapakain ng
amo ko. Naiingit kasi siya sa akin dahil lahat ng makakita sa amin ay
nagsasabing mas cute pa raw ako kaysa kanya.

RON : Ang aso mo ay pambihira. siya lamang ang nakita kong asong nagsasalita.
Bakit ninyo siyaipinagbibili sa halagang sampung piso lamang?

AMO : Dahil wala akong panahon sa mga asong palamunin na e, sinungaling pa!,





Wednesday, September 10, 2008

kwelang noypi

Noyping aplicante!

Nag-ring ang telepono sa bahay ng direktor.
"Hello'' Sabi ng tumawag, "Gusto kung pumasok bilang artista.
Marunong akong kumanta, Sumayaw at magpatawa
"E, nagagawa din nang mga artista namin ang nagagawa mo, "sagot ng direktor.
"Sandali lang, tumutugtog din ako ng organ, tumutulay sa alambre ng patalikod at kaya ko ring
i-recite ang buong florante at laura na uumpisahan ko nang pabalik."
"E, kaya din gawin nang mga artista ko yan eh!
"Sandali lang Direk, hindi lang 'yan.,"
Pagmakaawa ng nasa kabilang linya. "Alam kong kaya ring gawin ng mga artista mo ang magagawa ko pero hindi naman ako tao e, kungdi aso ako,
bow-wow-wow!(sabay tahol)


Noyping tigahanga

Noyping artista!
Noong bata pa ako ay may hinahangaan akong mama na napakalaki ng katawan.
Napakalapad ng kanyang Dibdib. At sa lapad ng kanyang dibdib ay nakatato ang isang parang buhay na buhay na agila.
Kaya parating nakahubad ito at buong pagmamalaking ipinagmamayabang ang nakatatong agila
sa kanyang matipunong dibdib.
Lumipas ang sampung taon. . .
Napasyal ako sa lugar ng mamang hinahangaan ko. Samakatuwid ay sampung taon na ang nakalipas
e. di matanda na rin iyong mamang hinahangaan ko at bagsak na ang kanyang katawan pangangatawan kaya pagtingin ko sa kanyang dibdib niya ay pinagmasdan kong mabuti ang tato niyang agila.
Pagtingin ko bagsak na iyong agila at matanda na rin।




Noyping Igorot

Usapang relihiyon!

May isang igorot na gustong maging katoliko Palibhasa, madalas niya akong nakikitang nagsisimba kaya hindi nag-atubiling lumapit at nagtanong sakin.
"Brod, papaano ba ang maging isang katoliko?"
"Madali lang," ang sabi ko. "Kapag pumasok ka ng simbahan gayahin mo lang ang ginagawa ng mga nagsisimba, okey na"
Ibig mong sabihin ay gagayahin ko lang ang mga ginagawa nila at magiging katoliko na ako."
"Oo," ang sagot ko.
Di pumasok na nga ng simbahan si Igo at nakita niyang nag-antanda yaong isang mama kaya gaya rin siya. Nag genuflect iyong mama, kaya nag genuflect din siya. Nagsitayo ang mga tao, kaya tumayo din siya. Kumanta ang mga tao at kumanta din siya. Nakita niyang lumuhod ang mga tao kaya lumuhod din siya. Pumila ang mga tao dahil magkukumunyon, pumila din siya,
Susubo na ng ostiya iyong nasa harapan niya kaya sumubo na rin siya ngunit may mga bata sa tabi niya at napansin ng mga batang ito na may lalawit-lawit sa pang ibaba niya dahil nakabahag lamang siya.
Natuwa ang mga bata st pinitik iyong lalawit-lawit. Kaya
gumaya na rin siya at sinabing,"okey, pitikan na!"

lahat po nang ito ay hakahaka lang... poh...
peace on earth mga noypi...
joke only...



noyping kwela

ALeng engot!

Isang araw nagpunta si Enyang Tengwey sa sementeryo. Nililinis ang inaakalang nitso ng nasirang asawa. Itinirik ang sinindihang kandila at inilagay ang dalang korona sa ibabaw ng nitso.
Lumuhod at saka taimtim na nagdasal.
"Inyok, kahit na alam kong ako'y niloko mo noong ika'y nabubuhay pa, ikaw ay matagal ko nang pinatatawad at kaya ako naririto ay para ipakita sa iyo na mahal pa rin kita."
Patuloy sa pagdarasal si Enyang nang isang babae ang lumapit sa kanya at kinalabit siya sa balikat.
"Mawalang galang na po sa inyo, Misis, pero nagkakamali po kayo sapagkat ito pong nitso ng aking namatay na asawa," ang sabi ng babae kay Enyang.
Nag-angat ng kanyang ulo si Enyang. Pinagmasdang mabuti ang nitso na sa akala'y sa kanyang asawa. Maya-maya'y tumayo at pinatay ang kandila. Kinuha ang korona at saka pagalit na nagsalita.
Inyok. talagang salbahe ka pa rin! Patay ka na'y nanloloko ka pa! hindi pala ito ang nitso mo'y pinagod mo pa ako! D'yan ka na!
Sabay alis at naiwang nagtataka ang Misis na may-ari ng nitso।


simbahang usapan

Noyping palasimba?

Minsan ay naiisipan nina Noknok Pukak at Inyok Tengwey na magsimba sa Quiapo.
Napansin nila ang isang pulubi sa simbahan at nagwika.
"Mga nanang, Mga Tatang. maawa na po kayo sa bulag na pulubi,"
"Nakakaawa naman 'yong bulag, ano?" tanong ni Noknok.
"Oo, nga 'no? May barya ka ba r'yan?" tanong ni Inyok.
"Wala, e, pero ,mayroon akong buo, limampung piso," ang sagot ni Noknok.
"Saan kaya rito puwedeng magpabarya? Aabutan ko sana ng piso, e." wika ni Inyok.
Naririnig pala ng pulubi ang usapan nila kaya sumingit ito at nagwikang.
"Hoy! Mister, mayroon ho akong isusukli r'yan!"


noyping kwento

Noyping ayaw mbuhay,:


Isang umaga, sa may Quezon Bridge ay may isang dalagang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitam ng pagtalon sa ilog. Lumubog-lumitaw siya sa ilalim ng tulay kaya maraming tao ang nagusyoso. Sa dami ng mga nanonood sa ibabaw ng tulay ay walang naawang sumagip sa pobreng dalaga. Walang anu-ano ay biglang may tumalon na isang Intsik at tuloy na sinagip ang dalaga.
Palakpakan ang mga tao at sigawan sa tuwa nang masagip ang dalaga.
Sugod ang bidang Intsik sa itaas ng tulay at galit na galit sa mga tao at ang sabi'y,
"sino tulak akin!"