About Me

My photo
Noypi pinoy ka ba? purong noypi ako isa akong blogger na manunulat na hatid sa inyo purong katatawanan lamang.

Monday, September 8, 2008

Noyping Engot


Sa isang Department Store

ay may isang mukhang disenteng babae na nakiusap sa saleslady na kung maari ay singkwenta pesos muna ang ibabayad niya sa kanyang napiling sapatos dahil sa kulang ang dala niyang pera.
"Kailangang-kailangan ko lang ngayong gabi ang sapatos na ito," pakiusap ng babae.
"Bukas na bukas din ay ibabalik ko ung kulang kong apatnapu't limang piso."
Pumayag naman ang maawaing saleslady.
Kinagabihan, nang malaman ng manedyer niya ang nangyari ay kinagalitan siya nito.
"Bakit ka pumayag na paloko? Ni hindi mo kilala 'yong babaing iyon. Buti kong bumalik pa iyon! ang sunud-sunud na sabi ng manedyer.
"Boss huwag kang mag-alala। Tiyak na babalik 'yon! Parehong kanang paa ang binigay kong sapatos!"


No comments: