
Isang bagong kasal ang nangangailangan ng katulong. May nagpresinta sa kanilang isa at nagustuhan naman nila agad.
"Hindi ko ho yata matatangap. Misis, ang mamasuksn sa inyo," ang sabi ng katulong, "dahil may problema ako,"
"Anong problema mo, iha?" tanong ni misis. "Baka matulungan ka namin,"
"Nagdadalangtao po ako," mangiyak-ngiyak na sagot ng katulong.
"Wala ka nang problema," ani Misis. "Pagnanganak ka na ay aampunin namin ang bata at mamumuhay tayo ng parang isang pamilya sa bahay na ito."
Dumating ang araw ng panganganak ng katulong at "triplet" pa mandin ang naging anak nito.
Tinupad naman ng magasawa ang pangako at inampon ang tatlong bata. Ngunit lumipas ang talong linggo ay napansin ng mag-asawang nageempake na nang mga damit ang katulong.
"Bakit ka nag-eempake ng mga damit?" tanong ni Misis.
"kasi gusto ko nang umalis dito,"sagot ng katulong.
"Bakit? May nagawa ba kaming pagkukulang sa iyo?"
"Wala po," sagot ng katulong
"E,wala naman pala,e, ba't gusto mong umalis?
"Kaya po gusto kong umalis," "Dahil masyadong maraming malilikot na bata sa bahay na ito!"

No comments:
Post a Comment