About Me

My photo
Noypi pinoy ka ba? purong noypi ako isa akong blogger na manunulat na hatid sa inyo purong katatawanan lamang.

Sunday, September 7, 2008

noyping magasawa


Ang problema ni Unyok sa asawa niyang si Enyang ay ayaw magsipilyo ng ngipin. Isang araw nakaisip si Unyok ng paraan upang ang totoo nang paninilaw at pangangapal ng dumi ng ngipin ni Eyang ay mabawas-bawasan naman. inutusan niyang bumili ng tubo si eyang upang mamangos sila para mabawasan naman ang dumi nito.

Tuwang- tuwa si unyok nang lumarga na si Eyang pagkat karaniwang nagiging bisyo nang nagpapangos ng tubo ang ikuskos sa ngipin paminsan minsan ang pinagngatan nito para sa gayon ay malinis naman ang ngipin nito.
Gayon nalang ang galit ni Unyok nang Dumating si Enyang Dahil wala itong nabiling tubo...
"O, ba't wala kang dalang tubo ?" Malakas na tanong ni Unyok. "Walang natira.
Mabiling- mabili ang tubo," sagot ni Enyang.
"E, ano 'yang dala mong nakabalot sa supot?,"
tanong ni Unyok। Biglang sumagot si Enyang ng padabog, "Walang tubo, e. Di ang binili ko na lang ay nilagang kamote!"


No comments: